O kay dilim na nga ng langit
Sa malawak na kaitaasan
Akin na ngang namasdan
Ang iyong paglisan
Batid ko ang iyong paghihirap
Ngunit Buhay ay sadyang ganyan.
Ang oras ay sadyang kay bilis
Kanina lang ay naririrto ka
Sumisigaw sa galit
Humahalakhak sa tuwa
Ngayo'y nababalot ng katahimikan
Sa iyong pagkakahimlay.
Halos di ko man lang namalayan
Ulan ay bumubuhos na
Sa aking pagluha'y nakikisabay ka
Ang talim ng kidlat
Na sa aki'y tumatama
Dahil sa'yo buhay ko'y nagbago.
Dating Mukhang may galak
Ngayo'y bakas ng pait at dalamhati
Ako'y nagsisisi sa'yo ay di ko nasabi
Aking sasabihin nawa'y marinig
"Mahal kita Ina ko.
Naway pakinggan mo!"
Muling magdidilim ang langit
Bubuhos ang ulan
At saaking paghikbi
Tapos na ng lahat.ngunit...
"Minsan pa Ina ko.
Ako'y iyong hagkan."



No comments:
Post a Comment